‘Wag isnabin ang level 168 Warrior ng Capella from Jupiter and a member of the guild AntiGravity, because iznabhero is our player of the week!

How long have you been playing CABAL Online:
Nagsimula akong maglaro ng Cabal Since January 14, 2010 up to present.

Why do you like to play CABAL Online:
Sa totoo lang nagstop ako nung level 43, 10 months akong nagstop kasi parang nahihirapan ako sa mga quest dahil sa baguhan pa lang ako nun. Pero nung may nakita ako sa shop na naglalaro ng CABAL, nakita ko yung level 160 warrior. Ang ganda ng porma at ang lakas sa PVP. Sabi ko sa player nun “astig ng char mo ah, naglalaro rin ako nyan, kaso huminto ako kasi di ko alam mga quest”. Neptune server sya, sabi nya sa akin “pagpatuloy mo pre, ako magututuro sa iyo kung ano mga gagawin”. Ayun, hanggang sa tuloy-tuloy na ang paglalaro ko.

Favorite Place to Level:
Sa mga dungeon, kasama ang ibang ka-guildmates or buddies, para sa dagdag Honor Points
at sa mga loots na pwedeng malaglag

Favorite NPC:
My Favorite NPC is Keller (Core Alchemist), kasi sya lang ang takbuhan ko pag may gusto akong i-craft

Most loved CABAL character:
Warrior, kasi sa porma pa lang masasabi mo nang matikas, at astig tignan ang isang warrior na tulad ko. Masasabi rin natin na pang-basagan talaga, lalong-lalo na sa WAR at sa dungeon, sila kaagad ang hianahanap ng ibang palyers.

Most challenging quest:
Yung Tyrant, until now wala pa ako nun. Asar, hirap makakuha kasi parang ayaw ibigay sa akin

Most hated mob/dungeon boss:
Para sa akin at sa level ko pa lang, masasabi kong mahirap na dungeon yung sa “Lost Island”. Lakas makapang 1 hit ang mga mobs at bosses dun, asar na asar talaga ako minsan at nagku-quit ako.

Most hated PvP opponent:
FS at Warrior, kasi sa FS malakas magcrit yung skills nila, sa WA naman sa HP na lang nagkakatalo, eh minsan nauunahan pa ako

Favorite party members:
FA at WIZ, kasi my buffers, kahit sila lang kasama ko, talgang maaasahan sila kahit ako lang taga-tangke

Any Crushes:
Si Grace at miracel FA, kaso madalang na lang syang maglaro. Miss ko na kayo, alam ko study muna. Ingats, love yah

Tips for newbie players:
Study first muna at wag kalimutan si Lord pati parents. Quest lang nang quest, magtanong sa mga ibang players kung hindi alam, tapos palakas pa tayo. More power sa mga baguhan.

What is your greatest achievement in CABAL Online?
Sa akin ano kaya? Pwede na siguro ito, ang GA sa CABAL naging sub GM. Ang cheap ano? Pero sa totoo lang, dito ko naipakita ang tunay kong pagkatao sa mga ka-guild ko. Marami na akong nasalihang guild, pero sa guild na to ako nagtiwala.

Give a Shoutout to your friends:
Sa mga friends ko maraming salamat sa pagtitiwala sa akin na maging isa sa mga buddies nyo maraming salamat. Lalong lalo na sa ka-guilds ko more power pa poh tyo alam ko na kaya naten to khit ang iba sa inyo ay naging bc na sa mga buhay buhay naiintindihan nmin kyo, alam ko na babalik at babalik kyo, aun lang palakas pa tyo khit na tapaktapakan tyo ng iba wak lang tyo mawalan ng pag asa alam ko na may paraan kaya tyo sinusubok ng panahon.