Salawikain = Filipino Proverb
Kanakailangan:
- Ang mga kalahok ay dapat pumili ng isang sikat na salawikain at lumikha ng isang banner gamit ang in-game screenshot ng kanilang mga karakter.
- Ang naipasang banner ay dapat naglalaman ng Cabal logo at ang mga teksto ng salawikain.
- Ang larawang ginamit ay dapat may-kaugnayan sa mga kasabihang ginagamit.
- Ang mga kalahok ay maaaring magpadala ng kani-kanilang banner sa cabal@levelupgames.ph na may pamagat na “Cabalawikain” at ay dapat mag bigay ng kanyang impormasyon tulad (buong pangalan, character name, username, email, contact number at server)
- Ang paligsahan ay magtatapos sa ika-5 ng Septyembre. At ang resulta ay ipapaskil sa Cabal fanpage sa ika-9 naman ng Septyembre.
(Halimbawa: “Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang” Then the gamer must use a photo of him and his clan/mates guildmates in a war or battle)
- Ang mga GM ay pipili ng nangungunang 3 mga entry batay sa mga sumusunod na kategorya:
- Konection ng salawikain sa larawan – 50%
- Ganda ng presentasyon – 30%
- GM Impact – 20%
- Magbubukas din ng isang pang kategorya para sa pinaka madaming “likes” at “share” (Gamer’s Choice).
Mga gantimpala:
GM’s Choice(3 winners):
- 30D BB+ Supreme
- 60D PW5
- Ring of Luck +3 (Permanent)
- 60D Special event title:
- Battle Commander – (HP+200, Attack+10, Sword Skill Amp.+2%, Defense+15)
or
- Undead Terminator – (HP+200, Magic Attack+10, Magic Skill Amp.+2%, Defense+15)
Gamer’s Choice(1 winner):
- 30D Special event title:
- Battle Commander – (HP+200, Attack+10, Sword Skill Amp.+2%, Defense+15)
or
- Undead Terminator – (HP+200, Magic Attack+10, Magic Skill Amp.+2%, Defense+15)
- 30D PW5
*Lahat ng mga hindi mapipili ay makakatanggap ng 7D BB+ Supreme.
Mga halimbawang Salawikain na puwedeng magamit:
Mga salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan.
- Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa
- Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nabibigkis
- Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan
- Ang lakas ay daig ng paraan
- Minsan man at kong golpe, daig ang pitong biyahe
- Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran
Mga salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan.
- Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan
- Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang
- Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan
- Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang
- Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi
- Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan
- Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan
Iba pang salawikain…
- Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.
- Kapag ang tao’y matipid,maraming maililigpit.
- Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
- Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
- Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
- Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
- Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
- Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.
- Pag di ukol, ay di bubukol.
- Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
- Daig ng maagap ang taong masipag.
- Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto’y iba ang kumain.
- Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.
- Puri sa harap, sa likod paglibak
- Kaibigan kung meron, Kung wala’y sitsaron
- Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan
- Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya
- Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila
- Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan
- Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare
- Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo
- Ang taong tamad, kadalasa’y salat
- Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot
- May pakpak ang balita, may tainga ang lupa
- Sagana sa puri, dukha sa sarili
Mga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat.
- Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
- Ang magandang asal ay kaban ng yaman
- Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat
- Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan
- Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila
- Ang katotohana’y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon
- Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
- Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising
- Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili
- Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim