Warning: "continue" targeting switch is equivalent to "break". Did you mean to use "continue 2"? in /home/ppwebteam/public_html/cabalph/main/wp-includes/pomo/plural-forms.php on line 210
CABAL Online Player of the Week: Allysa | Cabal Online Philippines

Allysa is a level 180 Wizard from Saturn’s Capellan nation and a member of TeamPunishment. Having played CABAL Online for almost 3 years, she remembers how she was captivated by the game’s graphics after watching its commercial on TV.

How long have you been playing CABAL Online:
I started playing Cabal Online back in June 18,2008. Una kong napanood yung trailer ng Cabal sa TV and I liked the graphics of the game kaya na-hook ako na para bang gusto kong laruin ang game na ito.

Why do you like to play CABAL Online:
Syempre dahil sa gameplay na wala ang other games. The graphics are nice and expansion of the game keeps on coming. Syempre, if you love the game, hahayaan mo bang maiwanan ka? Di ba hindi? At isa pa, I like playing this game because of the people and friends I meet each day. Each day may makakausap ka from different parts of the Philippines. You get the chance to know more about their culture and madami kang natutunan sa kanila. Each expansion of the game is another challenge for you to try out. I like challenges, which is why I like to play Cabal. Minsan nga aabutin ako ng 4am dahil lang sa dungeon runs at napapagalitan na ako ng mom ko kasi inuumaga na daw ako.

Favorite Place to Level:
Siguro sa Radiant Hall, ayos naman yung EXP gain doon at kapag sinuswerte ka ay makakapulot kayo ng maganda. Ayos din naman magpalevel sa Porta Inferno, kaso nga lang nahihirapan ako lalo na kapag walang kaparty. Lambot ng Wizard ko eh; Paper Build, ika nga.

Favorite NPC:
Si O’ Conner, siya na siguro yung pinaka mabait na NPC kasi each day namimigay siya ng free entry. Eh sa ngayon ang mahal-mahal na ng entries lalo na ang IC at RH.

Most loved CABAL character:
Syempre Wizard. Why? Because I believe in magic. Bata pa lang kasi ako ay mahilig na akong manood ng mga palabas sa TV na may magic. Gusto ko rin ang wizard kasi ang bilis nilang magmove, Dash & Blink rocks! Also casting 2 skills at a time is nice. Down at stun skills din mostly ang skills nila kaya kahit malambot ang wizard ko, stun lock combo lang ay buhay na ako. Saka kung wizard ka, madami kang makikilala. “pa SP po”, “pa Buffs po”, “ate sama ka hunt tayo”, iyan mostly yung mga words na maririnig mo from other players kapag wiz ka. Para sa akin, natutuwa ako kapag may mga taong nakakrecognize sa akin kahit sa maliit na paraan.

Most challenging quest:
The Mergaheph’s ring quest, kasi till now wala pa rin akong ring nya. Nagtatampo na nga ako sa kanya eh. Kasi yung iba 1 try lang meron na tapos ako wala pa. Hated nya din siguro ako.

Most hated mob/dungeon boss:
Si Keshapone Minisha ng Porta Inferno, ang cool at ang porma niyang tingnan. Nung unang pagkakataon ko na makita siya ay lumapit ako para magpapicture kaso 2 hits niya lang ako. Akala ko kasi ay kagaya siya ni Manticore at Dark Kimzrk na mga boss sa Porta Inferno na non-aggressive.

Most hated PvP opponent:
Siguro yung mga character na madalas mag crit lalo na ang mga FB at FS. Saglit lang kasi iyong wizard ko, 3-4 hits lang kapag all crits.

Favorite party members:
Kung members ang paguusapan syempre mga kaguild ko at mga friends ko. Kapag kasi naghuhunt kami, kahit talo sa loots ay panalo naman sa asaran. Nakakawala ng boredom sa dungeon runs kapag nagkukulitan kayo. Sarap kasing kasama ng mga taong gusto mong makasama. Hindi man kayo ganoon kagaling or ganoon ka kalakas, still natutuwa kayo sa kung ano man ang nararating ng samahan nyo.

Any Crushes:
Yung character ko, kasi I named her after my Girlfriend. Sexy kasi kaya ang sarap bihisan. Kaya kapag mag bagong costume, I try my best to avail it as soon as possible para maisuot ng character ko.

Tips for newbie players:
If you love what you’re doing then be proud and happy for it. Konti tiyaga lang sa simula kasi pangit sa buhay ng tao ang nabubuhay sa spoon feeding. Tsaka learn to respect yourself, meron kasi akong nakikitang newbie players na ginagawang katawa-tawa ang sarili nila. If you can’t respect yourself, do you think others will do that also? Di ba. Also, give respect to the people around you. Kapag marunong kang rumespeto, madami kang magiging kaibigan.

What is your greatest achievement in CABAL Online?
For me kasi ang meaning ng achivement is, something na pinaghirapan ko na huli ay magiging masaya ako. And so far ang masasabi ko lang na achievement ko ay nakilala ko ang mga tinuturing kong mga kaibigan. Kahit na magkakaiba ang edad namin, kahit na hindi kami nagkikita sa personal at kahit na sa Cabal lang kami nagkakilala at nagkikita ay nagiging masaya kami. Yung tipong asaran buong gabi. Ang sarap kasi sa pakiramdam na may mga taong hindi mo lubos na kakilala ay tatanggap sa kung ano ka at sa kung ano ang ginagawa mo.

Give a Shoutout to your friends:
If I could mention all of them ay time consuming naman. I would like to give my deepest gratitude to everyone I met and to everyone who have accepted me for who I am. Salamat dahil sa kahit na maikling panahon ng ating pagsasama ay naging makulay ang experience ko kasama kayo. Sa hirap at sarap, kayo’y aking mga kaibigan sa isip at sa pangarap.