Dala ng matinding pag-ulan at pag-baha, marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng pagkain, tubig, gamot at damit. Kung nais ninyong tumulong sa pamamagitan ng cash donations, maaari kayong mag-share through Philppine National Red Cross. Please go to http://www.redcross.org.ph/donate for more details.

Para sa mga gamers at guilds na nais tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaunting canned goods, bottled water, gamot at damit (pwedeng luma pero dapat maaari pang magamit) — maaari ‘nyo itong iwan sa Level Up! office simula August 8 hanggang August 15. Hindi mahalaga kung gaano kadami ang kaya mong i-share. Kung pagsasama-samahin natin ang kaunting maitutulong natin, malaking bagay ito para sa mga kapatid nating nasalanta ng bagyo.

Lahat ng mga donations “in-kind” na maiipon namin mula sa mga gamers ay dadalhin namin sa National Headquarters ng Red Cross. We will only accept canned goods, bottled water, medicine and clothes. Cash donations should be made directly to the Red Cross through the means stated on their website.

The Level Up! office is located at 11th Floor Pacific Star Building, Sen. Gil Puyat ave., cor. Makati ave., Makati City. We are open from 10:00 AM to 7:00 PM, Mondays to Fridays.

Thanks in advance to everyone who will drop by to share their blessings. We hope you and your loved ones are all safe.

Ingat kayong lahat.